Bahagi ng Roxas Blvd. SB lane, isang linggong sarado dahil sa eco-marathon

FILE PHOTO / Roxas Blvd
FILE PHOTO / Roxas Blvd

Sarado na simula madaling araw ng Martes, March 1 ang bahagi ng southbound lane ng Roxas Boulevard mula sa kanto ng Katigbak Drive o malapit sa Manila Hotel hanggang sa kanto ng T.M Kalaw.

Ito ay dahil sa isasagawang Eco-marathon ng isang malaking kumpanya ng langis.

Ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau, ang pagsasara ay tatagal hanggang Lunes, March 7 kaya pinapayuhan na ngayon pa lamang ang mga heavy vehicles na galing sa Pier at patungo sa south na kumaliwa na sa kanto ng P. Burgos Street patungo sa kanilang mga destinasyon.

Habang ang mga light vehicles naman ay pinapayagan mag-counterflow sa northbound lane ng Roxas Boulevard.

Gagamitin din sa Eco-Marathon ang tatlo hanggang apat na lane mula sa Inner lane ng Katigbak drive paikot sa harap ng Quirino Grandstand hanggang sa dulo ng TM Kalaw.

Ang Eco-Marathon ng Shell ay taunang kumpetisyon para sa mga young engineers na nagdidisenyo o lumilikha ng mga Eco-friendly na sasakyan.

 

Read more...