ER ng Pasig City General Hospital isasara hanggang August 19

Isasara pansamantala simula bukas (Aug. 15) hanggang sa Aug. 19 ang emergency room ng Pasig City General Hospital.

Ito ay dahil marami sa mga staff nito ang kailangang sumasailalim sa quarantine.

Sa kaniyang post sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto masasakripisyo ang serbisyo sa mga pasyente kung hindi gagawin ang pagsasara.

Payo ni Sotto sa mga residente kung mayroong emergency, tumawag muna sa 8-643-0000.

 

 

Read more...