Mga militante muling nagsama-sama para isigaw ang hustisya sa pagpatay kay dating Anakpawis Chairman Randy Echanis

Isang kilos-protesta ang muling ikinasa ng iba’t-ibang militanteng grupo sa compound ng Commission on Human Rights sa Quezon City upang kundenahin at ipanawagan ang hustisya sa pagpatay kay Anakpawis Chairman Randy Echanis.

Muling iginiit ni dating ANAKPAWIS Rep. Ariel Casilao na pamahalaan ang nasa likod ng pagpaslang.

Dismayado rin anya sila sa pinalilitaw na mga anggulo ng imbestigasyon ng qcpd na personal motive, robbery at nadamay lang si echanis.

Bitbit ang mga placard, naka-facemask at may physical distancing sigaw nila ang hustisya para kay Echanis.

Nakapaligid naman ang QCPD habang isinagawa ang protesta.

 

 

Read more...