Ginagawa ito ng ilang ospital para makakuha ng mas mataas na reimbursement sa PhilHealth.
Ayon sa PhilHealth mayroon ding mga report ng upcasing ng mga sakit.
“Ang PhilHealth ay patuloy na nakatatanggap ng reports ng upcasing ng mga sakit o kaya ay idinedeklarang COVID-19 ang mga kasong hindi naman COVID-19 para makakuha ng mas mataas na reimbursement,” ayon sa pahayag.
Kaugnay nito nagbabala ang PhilHealth sa mga ospital na gumagawa ng ganitong uri ng pandaraya.
Sinabi ng PhilHealth namay karampatang parusa sa ilalim ng batas ang ginagawang ito ng ilang ospital.
MOST READ
LATEST STORIES