PhilHealth pumalag sa pahayag ng PACC na “mula ulo hanggang paa” ang korapsyon sa ahensya

Pinalagan ng PhilHealth ang pahayag ng Presidential Anti Corruption Commission (PACC) na “mula ulo hanggang paa” ang listahan nito ng mga korap na empleyado ng ahensya.

Sa pahayag ng PhilHealth, sinabi nitong hanggang sa ngayon ay hinihintay nila ang naturang listahan mula sa PACC.

“PhilHealth still awaiting PACC’s “mula ulo hanggang paa” list of employees allegedly involved in corruption,” ayon sa pahayag.

Sinabi ng PhilHealth na ang PACC statement ay itinuturing nilang hindi patas at tila pandadamay sa nakararaming matitino at masisipag na empleyado ng ahensya.

Tiniyak ng PhilHealth na makikipag-cooperate ito sa sa imbestigasyon ng PACC.

Hindi rin mangingimi ang ahensya na patawan ng parusa ang mga mapatutunayang guilty.

 

 

 

Read more...