Mahigit kalahating milyong face masks naipamahagi na sa Maynila

Mahigit kalahating milyong face masks na ang naipamahagi ng Manila City Government sa mga residente ng lungosd.

Batay sa datos ng Public Employment Service Office (PESO) umabot na sa 569,766 ang mga face masks na naipamigay sa mga residente.

Ayon kay PESO-Manila Chief Fernan Bermejo noong August 12 nakapaghatid sila ng 15,237 na face masks.

Target ng Manila City LGU na makapamahagi ng 1 milyong face masks sa mga residente.

 

 

 

Read more...