John Regala nakalabas na ng ospital, bumuti na ang kondisyon at may sarili nang caregiver

Nakalabas na ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) ang aktor na si John Regala.

Ibinahagi ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino ang latest na larawan ng aktor na nasa kaniya nang kwarto.

Ayon kay Dino, magpapatuloy ang gamutan kay Regala.

Walong araw din itong namalagi sa ospital kaya nasuri siya ng husto ng mga duktor.

Nagpasalamat naman si Dino sa mga tumutulong kay Regala kanilang sina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus at Aster Amoyo.

Sinabi pa ni Dino na mayroon na ngayong caregiver na nangangalaga kay Regala para sa kaniyang pang-araw araw na pangangailangan.

 

Read more...