DOH mag-uulat ng time-based recoveries sa COVID-19 tuwing Linggo

Sa darating na Linggo, August 16 inaasahan ang pagkakaroon ng mataas na bilang ng recoveries sa COVID-19 na iuulat ng Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, resulta ito ng paglulunsad ng DOH ng Oplan Recovery.

Sa ilalim ng Oplan Recovery masusising minomonitor ang status ng mga confirmed COVID-19 cases partikular ang mga nasawi at gumaling na para masiguro na updated at accurate ang datos.

simula nang i-activate ito, nakapagtala ang DOH ng mahigit 4,000 time-based recoveries noong July 13 at mahigit 37,000 na time-based recoveries noong July 30.

Kaugnay nito, sinabi ng DOH na tuwing araw ng Linggo regular na mag-uulat ang ahensya ng COVID-19 recoveries.

 

 

Read more...