Ito na ang pinakamataas na single-day increase sa lungsod mula nang magkaroon ito ng COVID-19 case.
Ayon sa Public Information Office ng Baguio, dahil dito, sumampa na sa 214 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 89 ang aktibong kaso, 6 ang pumanaw, at 119 na ang naka-recover.
Ayon sa Baguio City LGU, mayroong mahigit 4,400 na residente nila ang sumasailalim sa 14-day quarantine.
Mahigit 19,500 na residente naman ang nakatapos na ng 14 na araw na quarantine.
Ang Baguio City LGU ay nakapagsagawa na ng mahigit 30,500 na Swab Test at mahigit 9,000 na Rapid Diagnostic Test.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong doble-kayod na ang kanilang contact tracing teams sa pagsasagawa ng contact identification, testing, isolation, quarantine, disinfection at medical protocols.
Agad ding naglalabas ng lockdown orders sa mga lugar na nagkakaroon ng bagong kaso ng COVID-19.