Eastern Visayas nakapagtala ng 43 bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng 43 pa na bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health-Eastern Visayas, dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 1,464 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 971 na ang gumaling at 487 ang aktibong kaso.

Ang mga bagong kasong naitala ay mula sa mga lalawigan ng northern Samar, Samar, Leyte, at Eastern Samar.

Karamihan sa mga bagong nagpositibo sa rehiyon ay pawang Locally Stranded Individuals na galing ng Metro Manila, Laguna, Rizal, Cebu at Mandaue.

 

 

Read more...