Head office ng PhilHealth sa Pasig, sarado sa August 14

Pansamantalang isasara ang head office ng PhilHealth sa Pasig City sa araw ng Biyernes, August 14.

Ito ay bilang bahagi ng pag-iingat sa gitna ng kinakaharap na COVID-19 pandemic.

Isasagawa ang masusing paglilinis at disinfection sa tanggapan ng ahensya sa bahagi ng Citystate Centre, 709 Shaw Boulevard, Orando.

Sinabi ng PhilHealth na kasabay ng isang araw na disinfection, magpapatupad ng temporary work suspension sa nasabing tanggapan.

Read more...