COVID-19 cases sa Mandaluyong City, pumalo na sa 2,000

Napaulat ang 38 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (August 13), 2,035 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 646 ang aktibong kaso.

137 ang itinuturing na probable cases habang 985 ang suspected cases kung saan 8,163 ang cleared na.

Nadagdagan naman ng 65 ang mga bagong gumaling.

Dahil dito, 1,300 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.

Umakyat naman sa 89 ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...