Kaso ng COVID-19 sa Las Piñas City, 1,575 na

Nasa 1,575 na ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Las Piñas City.

Sa datos ng Las Piñas City Health Office hanggang August 13, 362 na nasabing bilang ang aktibong kaso.

Pinakamaraming naitalang kaso sa Barangay C.A.A. – B.F. Int’l na may 217 confirmed cases.

Nasa 77 residente sa lungsod ang itinuturing na probable case habang 203 ang suspected cases.

Samantala, 1,140 pasyente sa Las Piñas ang gumaling na sa COVID-19.

73 namang residente ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...