Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina, 1,039 na

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Huwebes, August 13) pumalo na sa 1,039 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan siyam ang nadagdag.

Sa nasabing bilang, 502 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 49.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 488 na.

Read more...