Tubero, nag-wagi ng mahigit P7-M sa lotto

lottoMatapos ang mahigit dalawang dekadang pag-taya, nanalo na sa wakas ang isang tubero mula sa Baguio City sa lotto.

Nag-iisang napanalunan ng 56-anyos na ama ang kabuuang P7,088,836 nang masaktuhan niya ang winning number combination na 14-35-37-09-21-17 sa Feb.6 draw ng Lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office’s (PCSO).

Siya ang ika-anim na maswerteng mananaya na nag-kamit ng kaniyang premyo ngayong taon.

Ayon kay PCSO Vice Chair at General Manager Jose Ferdinand Rojas II, nakuha ng lalaki ang maswerteng numero mula sa kaniyang birth date at random na mga numero.

Nang kunin niya ang kaniyang premyo sa PCSO head office, sinabi ng winner na gagamitin niya ang premyo para bilhan ng bahay at lupa ang kaniyang pamilya, at ang ibang bahagi nito ay ilalaan niya sa kinabukasan ng kaniyang apat na anak at ang matitira ay ipang-tatayo niya ng sariling plumbing service center.

Masaya si Rojas na isa na namang mananaya ng lotto ang nabago ang buhay.

Read more...