Kabilang sa mga mahaharap sa asunto ay sina Leonardo Lagas, George Castillo at Galwas Musa.
Kasama rin sa mga kakasuhan ang sampung kawani ng pamahalaan ng Zamboanga Sibugay.
Batay sa report ng Commission on Audit, ang tatlong local officials ay naghanda at nag-apruba ng Disbrusement vouchers at nameke ng supporting documents upang makuha ang reimbursement na nagkakahalaga ng P95,000 mula sa Aid the Poor Program noong 2001.
Aabot umano sa P1,000 hanggang P5,000 ang naipamudmod nila sa kanilang constituents.
Gayunman, sa verification ng COA, hindi matunton ang umano’y beneficiaries ng pondo.
Dahilan naman ng tatlong inaakusahan, nabigyan lamang daw sila ng maling address.
Sa kabila nito, hindi pinatulan ng Ombudsman ang rason ng tatlong local officials.