Panawagan ni Fernandez ay boluntaryo nang alisin ng publiko ang mga fire hazards sa kanilang bahay o ang mga bagay na maaring pagsimulan ng sunog.
Kasabay nito, sinabi ni Fernandez na sa pamilya dapat simulan ang mga hakbang para mapanatiling ligtas sa sunog ang bahay.
Inihalimbawa nito ang pagbabantay sa mga iniluluto, gasera o lampara at kandila, na karaniwang nagsisilbing mitsa ng mga insidente ng sunog.
Idinagdag pa nito na kailangan din ang regular na pag-iinspeksyon sa mga electrical wiring lalo na sa mga magkakadikit na bahay at gawa sa mga light materials.
Bukas ay may mga naka-linya ng aktibidad kaugnay sa fire prevention month, partikular na ang surprise inspections ng mga Bureau of Fire Protection (BFP) inspectors sa mga establisyimento.