NCR at ilang lugar sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:13 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Laguna at Batangas.

Kaparehong lagay ng panahon ang mararanasan sa Rizal partikular sa Angono, Binangonan at Morong.

Uulanin din ang Tagkawayan, Quezon; Subic, Castillejos at San Marcelino sa Zambales.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...