Ayon kay Brgy. Commonwealth Chairman Manuel Co, mayroong 15 bed capacity ang bagong quarantine facility.
Ito na ang ikaapat na quarantine facility sa naturang barangay dahilan para magkaroon ng ito kabuuang 60 bed capacity.
Ayon kay Co, ikalawa ang Commonwealth sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong Quezon City.
Mula Marso, nasa 258 na ang nagpositibo sa COVID-19.
195 ang naka-rekover habang walo ang nasawi.
Aabot aniya sa P13 milyon ang nagastos ng barangay sa apat na quarantine facilitty.
Ayon kay Co, para hindi mainip ang mga naka qauarantine, nilagyan na nila ng libreng wifi at netflix
Kumpleto rin aniya sa hygiene kit ang mga naka quarantine.
Libre rin ang pagkain at gwardyado ng 24 oras para hindi makatakas
Ang Commonwealth ang pinakamalaking barangay sa QC na may kabuuang populasyon na 350,000 at sakop ang anim na palengke.