Ayon kay PSSupt Guillermo Eleazar, Acting Director ng PNP-ACG, noong taong 2013 mayroon silang naitalang 161 na ibat ibang kaso paglabag sa CPA kabilang na ang mga naaaresto operator ng cybersex den at mga ‘performers’ nito.
Noong 2014 umakyat ito sa 559 na mga kaso habang noong nakalipas na taon 2015 ay pumalo na sa 1,098 cases ang naitala.
Dahil dito, kailangan umano ng ibayong pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa presensya ng mga cybersex den para kaagad itong maireport at mapigilan ang pagdami ng mga ito.
Aminado ang PNP ACG na dahil napakadali umanong magbukas at mag operate nito at dahil sa modernong teknolohiya kahit umano celphone ay maaring gamitin para SA operasyon ng cybersex den.
Noong isang linggo, isang cybersex den ang ni-raid ng ACG sa Quiricada St Tondo Maynila kung saan 5 katao ang naaresto kabilang ang operator nito na nakilalang si Edmar Reyes alias Emay at isang menor-de-edad ang narescue.