Dalawang immigration officers sinampahan ng reklamo sa DOJ dahil sa pamemeke ng travel records ng isang dayuhan

Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng kaso laban sa dalawang opisyal ng Bureau of Immigration dahil sa pamemeke ng travel records ng isang Austrian national na mayroong criminal records.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang dalawang Immigration Officers (IO) na sina Perry Michael Pancho na nakatalaga sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) at Marcus Nicodemus na nakatalaga sa NAIA Terminal 1, Pasay City.

Ayon kay Distor noong June 23, 2020 nang mapaulat na dumating sa bansa ang dayuhang si Jan Marsalek na nahaharap sa US 2.2 Billion Dollar Wirecard fraud sa Germany.

Sa ginawang imbestigasyon Nakita ang mga pinekeng petsa ng pagbiyahe ng dayuhan
OIC Director Distor sa bansa.

Nagduda ang mga opisyal dahil sa petsang nakasaad ng pagdating sa bansa ng dayuhan at pagbiyahe nito sa Mactan airport ay umiiral ang mahigpit na immigrations protocol na nagbabawal sa mga pasahero na pumasok sa Pilipinas dahil sa pandemya ng COVID-19.

Nakasaad sa pinekeng record ng dayuhan na June 24, 2020 siya umalis ng Mactan Airport na imposibleng mangyari dahil nang panahong iyon ay walang available flights sa Paliparan.

Reklamong Falsification of Public Documents by a Public Official sa ilalim ng Article 171 ng Revised Penal Code at paglabag sa RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) in relation to RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang isinampa ng NBI sa DOJ laban kina Pancho at Nicodemus.

 

 

Read more...