Annual Pensioners Information Revalidation ng GSIS suspendido hanggang December 31

Sinuspinde na ng GSIS hanggang sa December 31, 2020 ang Annual Pensioners Information Revalidation (APIR) .

Ito ay para maprotektahan din ang kalusugan ng GSIS pensioners ngayong may pandemic ng COVID-19.

Ang mga hindi nakapagsagawa ng APIR noong buwan ng Marso hanggang July dahil sa lockdown ay tatanggap pa rin ng pensyon.

Sa susunod na taon, magpapatupad na ng online APIR ang GSIS.

Bilang paghahanda, hinikayat ng GSIS ang kanilang pensioners na subukan na itong gamitin.

Sa pamamagitan ng online APIR, pwedeng mag-report sa GSIS ang pensioners sa pamamagitan ng videoconferencing gamit ang FB messenger, Viber, Zoom o Skype.

 

 

Read more...