Global death toll sa COVID-19 mahigit 751,000 na

Sumampa na sa mahigit 751,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 751,560 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 169,131.

Ang India na ang pang-apat sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming nasawi sa sakit mataposn na maungusan ang death toll ng UK.

Sumampa naman na sa mahigit 104,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Habang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 53,200.

Narito bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansa:

Brazil – 169,131
Mexico – 53,929
India – 47,138
UK – 46,706
Italy – 35,225
France – 30,354
Spain – 28,579
Peru – 21,501
Iran – 18,988

Sumampa naman na sa mahigit 13.6 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 6.3 million pa ang aktibong kaso.

Read more...