Oil refinery ng Shell sa Batangas tuluyan nang isinara

Isinara na ng tuluyan ang oil refinery ng kumpanyang Shell sa Batangas.

Bunsod ito ng epekto ng pandemic ng COVID-19 sa ekonomiya.

Ayon sa pahayag ng kumpanyang Shell, ang presyo ng produktong petrolyo ay mas mababa pa o ‘di kaya naman ay pantay sa gastusin para sa pag-refine ng crude oil.

Sinabi ni Pilipinas Shell president and chief executive Cesar Romero na gagamitin na lamang bilang terminal ang naturang lugar.

Umabot sa P6.7 Billion ang nawalang kita sa Shell sa unang anim na buwan ng taong 2020.

 

Read more...