Libreng COVID-19 antibody testing sa Pasig simula na bukas

Simula bukas, August 14 ay mayroon na ring libreng COVID-19 antibody test sa Pasig City.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, first come, first served ang susunding sistema.

Kailangan ding magpa-reserve muna ng slot bago magtungo sa lugar dahil hindi tatanggapin ang walk-ins.

Bago pumunta, pinapayuhang tumawag muna at mag-reserve ng slot sa Testing Hotlines: 0928-2911716 o 0928-2911717.

Kung magiging maayos ang sistema ay itutuloy na ang libreng test araw-araw.

“Kung dagsain ng mga walang reservation at mawalan ng social distancing, baka makansela ang proyekto,” ayon kay Sotto.

 

 

 

Read more...