Sa pinakahuling datos, 20,786,855 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 220,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang kaso sa Estados Unidos ay sumampa na sa 5,360,302 matapos makapagtala ng mahigit 55,000 pang bagong kaso.
Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 58,000 bagong kaso habang mahigit 67,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Ang Pilipinas ay pang-22 na sa mga bansa na may pinakamaraming kaso sa mundo.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 3,170,474
India – 2,395,471
Russia – 902,701
South Africa – 568,919
Mexico – 492,522
Peru – 489,680
Colombia – 422,519
Chile – 378,168
Spain – 376,864