Sa 8AM Bulusan Volcano Bulletin na inilabas ng Phivolcs ngayong Huwebes, August 13, pawang low frequency lamang ang mga pagyanig.
Ayon sa Phivolcs, indikasyon ito na patuloy ang volcanic process sa bulkan na maaring magresulta sa hydrothermal activity nito o magmatic intrusion.
Sa ilalim ng Alert Level 1, ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng Mt. Bulusan.
Inabisuhan din ang Civil aviation authorities na payuhan ang mga piloto na iwasan ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa summit ng bulkan dahil maari itong magkaroon ng phreatic eruption anumang oras.
MOST READ
LATEST STORIES