Tren nadiskaril sa Scotland 3 ang patay, 6 sugatan

Emergency services attend the scene of a derailed train in Stonehaven, Scotland, Wednesday Aug. 12, 2020. Police and paramedics were responding Wednesday to a train derailment in northeast Scotland, where smoke could be seen rising from the site. Officials said there were reports of serious injuries. The hilly area was hit by storms and flash flooding overnight. (Derek Ironside/Newsline-media via AP)

Tatlo ang nasawi habang anim pa ang sugatan matapos madiskaril ang isang pampasaherong tren sa northeast Scotland.

Ayon sa British Transport Police kabilang sa nasawi ang driver ng tren habang kinumpirma ng Rail, Maritime and Transport union na nasawi din ang kunduktor ng tren.

Matapos ang insidente, nag-apoy pa ang tren.

Ayon kay Prime Minister Boris Johnson nagsasagawa na ng imbestigasyon para matukoy kung ano ang naging dahilan ng aksidente.

Nitong nagdaang mga araw ay nakararanas malakas at patuloy na buhos ng ulan sa Scotland.

 

 

Read more...