Antas ng tubig ng Angat dam nabawasan sa magdamag

Nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 182.98 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (August 13) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 183.01 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.33 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.95 meters habang bahagyang nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 78.68 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 78.72 meters.

Samantala, ang water level ng Binga, San Roque at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao at Caliraya dams.

Nanatili naman ang antas ng tubig ng Magat sa 172.70 meters.

 

 

Read more...