Sabtang, Batanes niyanig ng magnitude 5.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Batanes.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 49 kilometers southwest ng bayan ng Sabtang, alas-6:32 umaga ng Huwebes (August 13).

May lalim na 14 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala pa namang naitatalang pagkasira sa mga ari-arian at intensities pero inaasahan ang aftershocks bunsod ng malakas na pagyanig.

Una itong itinala ng Phivolcs sa Calayan, Cagayan at may lakas na magnitude 5.1

 

 

Read more...