Traditional medicine na ginagamit sa China bilang panggamot sa COVID-19 inaprubahan ng FDA sa Pilipinas

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration ang Traditional Chinese Medicine na Lianhua Qingwen Capsule.

Inanunsyo ng Chinese Embassy sa kanilang website na rehistrado na sa FDA ng Pilipinas sa nasabing gamot.

Ang Lianhua ay ginagamit sa China bilang panggamot sa mga mild at moderate cases ng COVID-19.

Pero sa inaprubahang registration ng FDA, aprubado lamang ang pagbebenta ng gamot sa merkado. Hindi nakasaad na inaaprubahan na ito sa Pilipinas bilang gamot sa COVID-19.

Welcome development naman ito sa China at ayon sa pahayag ng embahada, umaasa silang makatutulong ang gamot sa Pilipinas para maagapan ang mild cases ng COVID-19.

“The Embassy advises the consumers to purchase and consume authentic TCM produced by qualified pharmaceutical manufacturers, and hopes that TCM would play a bigger role to support the efforts of the Philippine government and its people to fight against COVID-19 until the final victory,” ayon sa pahayag ng embahada.

Read more...