Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas mahigit 17,500 na

Sumampa na sa mahigit 17,500 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 149 na bagong kaso ng sakit kahapon.

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 17,518 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 4,308 na lang ang aktibong kaso.

Umabot naman na sa 1,014 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.

Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 258 dahilan para umabot na sa 12,196 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,291 cases.

Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:

Cebu Province – 2,176
– Talisay City – 807
– Minglanilla – 454
– Consolacion – 446
Mandaue City – 2,000
Lapu-Lapu City – 2,014
Negros Oriental – 115
Bohol – 113
Siquijor – 3

 

 

 

Read more...