Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 1,802

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Martes, August 11) , nadagdagan ng 70 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 1,802.

Sa nasabing bilang 1,158 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nadagdagan ng 3 kaya umabot na ito sa 176.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 3,105.

 

 

 

Read more...