Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Western Visayas, 2,409 na

Nagpositibo ang 103 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Napaulat ang ilang kaso sa mga sumusunod na lugar:
– Iloilo City – 48
– Iloilo – 22
– Negros Occidental – 22
– Bacolod City – 7
– Guimaras – 3

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang August 12, umakyat na sa 2,409 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

1,253 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 90.34 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

51 naman ang gumaling pa kaya 1,225estern Visayas.

Umabot naman sa 34 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...