Mga nahuling lumabag sa safety measures sa Navotas City, 1,324 na

Mahigit 1,300 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures sa Navotas City.

Ito ay kasabay ng umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sa ulat ng Navotas City Police hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (August 12), umabot sa kabuuang 1,324 ang mga nahuling lumabag sa safety measures para maging protektado laban sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 1,127 ang nahuling walang suot na face mask o hindi tama ang pagkakasuot nito.

Nasa 82 katao naman ang lumabag sa curfew.

115 rin ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Read more...