285 pang residente sa Navotas City, gumaling sa COVID-19

Nadagdagan pa ng 102 ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 8:30, Miyerkules ng gabi (August 12), umakyat na sa kabuuang 3,491 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 1,471 ang aktibong kaso o katumbas ng 42 porsyento.

285 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 1,916 na ang total recoveries o 55 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Isa pa ang pumanaw kung kaya 104 na o tatlong porsyento ang COVID-19 related deaths sa lungsod.

Read more...