High-value target, timbog sa buy-bust operation sa Lapu-Lapu City

Arestado ang isang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Lapu-Lapu City, Martes ng hapon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Barangay Buaya bandang 1:55 ng hapon.

Naaresto ang suspek na si Allan Ramirez alyas “Allan Kagid,” 43-anyos na residente ng kaparehong barangay.

Si Ramirez ay itinuturing na high-value target ng mga otoridad.

Nakuha kay Ramirez ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,400 at ginamit ng buy-bust money.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa suspek.

Read more...