Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina, 1,030 na

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Miyerkules, August 12) pumalo na sa 1,030 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, 505 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay 49 na.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 476 na.

Read more...