Ilang lalawigan kalapit ng Metro Manila makararanas ng pag-ulan

Uulanin sa susunod na mga oras ang ilang lalawigan na kalapit ng Metro Manila.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 10:14 ng umaga ngayong Miyerkules, August 12 asahan ang katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Bulacan, Laguna at Rizal.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa General Nakar sa Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Ang mga residente naman na nakatira sa bulubunduking lugar ay pinag-iingat sa landslides.

 

 

 

Read more...