Korte Suprema nagtakda na ng oral arguments sa mga petisyon kontra Anti-Terrorism Law

Itinakda na ng Korte Suprema ang oral arguments sa mga petisyon na inihain laban sa Anti-Terrorism Law o RA 11479.

Ayon sa SC, gagawin ang oral arguments sa mga petisyon sa ikatlong linggo ng Setyembre.

Maglalabas ng notice ang SC sa sandaling mayroon nang pinal na petsa.

Kasabay nito sinabi ng SC na nai-consolidate na ang anim na latest petitions laban sa naturang batas.

Ang mga respondent sa anim na petisyon ay inatasan ding maghain ng kanilang komento sa loob ng 10 araw.

 

 

 

Read more...