Unang chartered flight ng DFA na mag-uuwi ng mga Pinoy mula Lebanon darating sa bansa sa Aug. 17

Sa August 17 inaasahang darating sa bansa ang unang batch ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na galing sa Lebanon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang unang chartered flight mula Lebanon ay darating sa NAIA sa August 17 ala 1:25 ng hapon.

Lulan nito ang nasa 400 na Pinoy.

Kasabay ding iuuwi ang mga labi ng apat na Pinoy na nasawi sa pagsabog sa Beirut.

Ayon kay Migrant Workers Affairs Undersecretary Sarah Lou Y. Arriola, may susunod pang chartered flight ang DFA sa Lebanon para ma-accommodate ang iba pang nais umuwi.

 

 

Read more...