Rizal Memorial Complex at PHILSPORTS Complex sasailalim sa complete lockdown; staff nagpositibo sa COVID-19

Isasailalim sa complete lockdown ang Rizal Memorial Complex sa Maynila at ang PHILSPORTS Complex sa Pasig City.

Inanunsyo ito ng Philippine Sports Commission (PSC) sa kanilang Facebook page.

Ayon sa PSC, isang staff kasi nila ang nagpositibo sa COVID-19.

Simula ngayong araw, August 12 ang pag-iral ng lockdown.

Muli na lamang mag-aabiso ang PSC kung kailan bubuksan ang dalawang sports complex.

 

 

 

 

 

Read more...