Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, 7,873 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga residente na nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 7,873 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang araw ng Martes, August 11.

Sa nasabing bilang, 7,798 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.

7,772 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 1,981 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

5,465 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 311 ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 7,476 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

 

 

Read more...