Kaso ng COVID-19 sa Baguio City 180 na

Nakapagtala ng labingapat na bagong kaso ng COVID-19 sa Baguio City.

Ayon sa Public Information Office ng Baguio, dahil dito, sumampa na sa 180 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa lugsod.

Sa nasabing bilang, 69 ang aktibong kaso, 5 ang pumanaw, at 106 na ang naka-recover.

Ayon sa Baguio City LGU, mayroong mahigit 4,200 na residente nila ang sumasailalim sa 14-day quarantine.

Mahigit 19,400 na residente naman ang nakatapos na ng 14 na araw na quarantine.

Ang Baguio City LGU ay nakapagsagawa na ng mahigit 30,500 na Swab Test at mahigit 9,000 na Rapid Diagnostic Test.

 

 

 

Read more...