Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas 17,375 na

Sumampa na sa mahigit 17,300 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 75 na bagong kaso ng sakit kahapon.

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 17,375 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 4,416 na lang ang aktibong kaso.

Umabot naman na sa 1,011 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.

Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 64 dahilan para umabot na sa 11,948 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,257 cases.

Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:

Cebu Province – 2,125
– Talisay City – 800
– Minglanilla – 445
– Consolacion – 438
Mandaue City – 2,083
Lapu-Lapu City – 2,000
Negros Oriental – 115
Bohol – 109
Siquijor – 3

 

 

Read more...