Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), hanggang araw ng Lunes, August 10, 2020 ay umabot na sa P73.9 bilyon ang halaga ng na-disburse na pondo para sa 2nd tranche ng SAP.
Ang nasabing halaga ay naipamahagi sa 12,248,599 na pamilyang benepisyaryo.
Una nang sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista na batay sa mga aral na natutunan sa unang pamamahagi ng SAP ay inayos ng ahensya ang sistema.
Kabilang sa pagbabago ay ang pagkakaroon na ng digital payment sa pamamahagi ng SAP.
MOST READ
LATEST STORIES