“Hindi kinakailangan ng mga mag-aaral na magsuot ng uniporme ng paaralan sa anumang distance learning approach na gagamitin nila para sa SY 2020-2021,” ayon sa DepEd.
Ipinaliwanag ng DepEd na bago pa magkaroon ng pandemya ay hindi naman talaga mahigpit ang DepEd sa utos sa mga pampublikong paaralan para sa pagsusuot ng uniporme ng mga mag-aaral.
Ito ay para maiwasan ang pagkakaroon ng karagdagang gastos sa pamilya ng mga mag-aaral.
Habang ipinagbabawal ang face-to-face classes, ang mga mag-aaral ay hinihikayat na magsuot ng kanilang pinaka-komportable at naaangkop na pananamit ayon sa DepEd.