Mismong si Russian President Vladimir Puttin ang nagn-anunsyo na aprubado na ang bakuna matapos ang halos dalawang buwan na human testing nito.
Ang bakuna ay tinawag ng Russia na “Sputnik V”.
Ayon kay Putin, epektibo ang bakuna at nakapagpapalakas ng immune system ng pasyente.
Ayon sa Russian Direct Investment Fund (RDIF), inaasahang simula sa Setyembre ay uumpisahan na ang industrial production ng bakuna.
Mayroon nang 20 bansa ang naghain ng “preliminary applications” kaya mangangailangang makalikha ng mahigit isang bilyong doses nito.
MOST READ
LATEST STORIES