Senador Bong Go tiwalang matutuldukan na ang laganap na korapsyon sa PhilHealth kasunog ng binuong task force

Tiwala si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na tuluyan nang matutuldukan ang problema sa korapsiyon sa Phililippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Pahayag ito ni Go, matapos ang aniya’y mabilis na pagtugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panawagan ng taumbayan na bumuo ng Task Force na mag-iimbestiga at may kakayahang linisin ang laganap na katiwalian hindi lamang sa State insurance agency kundi maging sa mga ahensiyang batbat nang anomalya para mapanagot ang mga may sala.

“Tulad ng sabi ko, hindi po titigil si Pangulong Duterte na labanan ang corruption. Mabilis niyang tinutugunan ang hinaing ng taumbayan at ang panawagan nating magkaroon ng isang Task Force na may kakayahang linisin ang mga ahensyang laganap ang anomalya at panagutin ang mga mapatunayang may sala” saad ni Go.

“Sa paglabas ng kautusan ngayong araw, inaasahan natin na ang Task Force na ito — sa pangunguna ng DOJ, kasama ang Ombudsman, COA, CSC, OES, at sa tulong rin ng PACC — ay gagawin ang lahat upang matuldukan na ang mga problema sa PhilHealth” dagdag pa ni Go.

Ayon kay Go, sa pamamagitan nang binuong Task Force ay malaliman na matutukoy ang problema sa kabuuan ng organisasyon, sa loob at baba ng ahensya, na sanhi ng tinatawag na ‘deeply rooted and systemic corruption’.

“With more teeth, we expect this Task Force to discharge its key mandates without fear or favor and with greater haste. These mandates shall include the authority to initiate thorough investigation, conduct audit and lifestyle checks, recommend suspensions, prosecute and file cases, and ensure that those accountable be put in jail” wika ni Go.

At bilang Chair ng Senate Committee on Health, sabi ni Go, nakikiisa siya sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno para suportahan ang Task Force.

“Habang nilalabanan natin ang COVID-19, hindi rin tayo titigil hanggang mabigyan ng mabisang lunas ang malubhang sakit na dulot ng corruption sa buong sistema ng gobyerno”, pagtatapos ni Go.

 

 

 

 

 

 

Read more...