BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, mahigit 139,000 na; halos 3,000 ang nadagdag

Halos 3,000 ang nadagdag sa bilang ng mga tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes (August 11), umabot na sa 139,538 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 68,794 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,987 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nakuha ang mga datos mula sa 74 out of 99 licensed laboratories.

Nasa 19 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 2,312 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 280 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 68,432 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

 

 

 

Read more...